Pumalo na sa 233.55 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 233,558,675 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 44,054,825 cases.
Sumunod na rito ang India na may 33,716,451 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,381,790 naman ang kaso sa Brazil habang 7,736,235 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,464,708
– Turkey – 7,095,580
– France – 7,002,393
– Iran – 5,559,691
– Argentina – 5,253,765
– Colombia – 4,954,376
– Spain – 4,953,930
– Italy – 4,665,049
– Germany – 4,218,482
– Indonesia – 4,211,460
– Mexico – 3,645,599
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,778,872 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 210,386,345 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.