Mayor Sara – Tito Sotto lumabas sa Pulse Asia survey

Nananatiling si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio ang nangunguna sa mga pinagpiliang ‘presidentiables’ sa huling Pulse Asia survey.

Sa survey na isinagawa nito lamang Setyembre 6 hanggang Setyembre 11, 20 porsiyento sa mga sumagot ang pinili ang anak ni Pangulong Duterte.

Sinundan siya nina dating Sen. Bongbong Marcos (15 porsiyento); Manila Mayor Isko Domagoso (13 porsiyento) at Sen. Manny Pacquiao (12 porsiyento).

Nasa pang-apat na puwesto si Sen. Grace Poe (9 porsiyento) sinundan siya nina Vice President Leni Robredo (8 porsiyento) at Sen. Panfilo Lacson (6 porsiyento).

Ito ay sa kabila nang anunsiyo ni Duterte-Carpio na ayaw niyang manahin ang puwesto na kasalukuyang hawak ng ama.

Sina Marcos, Poe at Robredo ay wala pang deklarasyon.

Samantala, 25 porsiyento naman ang nagsabi na pipiliin nila si Senate President Vicente Sotto III sa ‘vice presidential race.’

Sinundan siya ni Pangulong Duterte na nakakuha ng 14 porsiyento, parehong 12 porsiyento ang nairehistro nina Marcos at Domagoso at magkatulad din na pitong porsiyento kina Pacquiao at Sen. Christopher Go.

Read more...