Comelec en banc unanimous sa extension ng voter’s registration

 

Kumambiyo ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ukol sa hindi pagpayag na mapalawig pa ang isinasagawang voter’s registration.

Ayon kay Comelec spokesperson, unanimous ang naging desisyon ng Commission en banc na palawigin pa ang pagpaparehistro ng mga nais makaboto simula sa 2022 elections.

“Extension is unanimously approved,” ang paunang pahayag ni Jimenez bagamat aniya ang kabuuang detalye ng desisyon ay ibabahagi na lang niya.

Aniya bukas, Setyembre 30 ang unang itinakdang deadline, ang pansamantalang huling araw ng pagpaparehistro.

Paliwanag nito, mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 ay magiging abala sila sa pagtanggap ng certificate of candidacy (COC) ng mga nais kumandidato sa national at local elections sa darating na Mayo.

Sa naunang en banc session, tanging si Comm. Rowena Guanzon lang ang bumoto para sa extension at sa panayam sa kanya ang katuwiran ng kanyang mga kapwa opisyal ay maaring magahol sila sa oras sa paghahanda sa nalalapit na halalan.

Read more...