Mas pinipili ng mga konsyumer ang carrots na mula sa China sa halip na tangkilikin ang mga galing sa Benguet.
Ayon sa nagtitinda ng mga gulay na si Sonny Espedilion mas mura ang imported carrots.
Aniya sa Balintawak Market, P60 ang kada kilo ng imported carrots, samantalang P80 naman ang lokal na carrots.
Sinabi pa nito na maganda din naman ang kalidad ng carrots na mula sa China, bukod pa sa mas matagal itong mabulok.
Ang Department of Agriculture sinabi na iimbestigahan na ang pagdagsa ng imported na carrots sa bansa base sa pagdududa na ‘smuggle’ ang mga ito.
MOST READ
LATEST STORIES