Monasteryo, health facility sa Rizal tinamaan ng COVID 19; 22 positibo sa sakit

Taglay ng 12 sa 16 madre ng Carmel of Mary Star of the Sea monastery sa Tanay, Rizal ang nakakamatay na COVID 19.

 

Ayon kay Fr. Miguel Condes, special adviser for the Carmelite Monastery, maliban sa isa, lahat ng mga madre ay fully vaccinated.

 

Dagdag pa nito, ang ilan sa mga madre ay asymptomatic, samantalang ang iba ay may ubo at sipon.

 

Paniwala nila, nakuha ng isang madre ang sakit nang magtungo ito sa isang ospital para ipasuri ang kanyang mata matapos ang isang aksidente.

 

Ngayon, dagdag pa ni Condes, naka-quarantine sa magkakahiwalay na kuwarto ang mga may-sakit na madre.

 

Samantala, sinabi ni Jun Ynares, ang tagapagsalita ng pamahalaang-lungsod ng Antipolo, 10 sa 31 empleado ng Villa Herzon Mental Health Center ang positibo sa COVID 19.

Aniya, sumailalim sa tests ang mga empleado matapos ang isa sa kanila ay magpositibo sa sakit.

 

Read more...