Usok ng Bulkang Taal umabot sa taas na tatlong kilometro

Umabot sa 3,000 metro ang taas ng usok na nagmula sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

 

“Activity at the main crater was dominated by upwelling of hot volcanic fluids in its lake which generated plumes 3,000 meters tall that drifted southwest and southeast,” ayon sa inilabas na bulletin ng Phivolcs ngayon umaga.

 

Naobserbahan din ang volcanic smog o vog sa paligid ng bulkan.

Hanggang kahapon, ang sulfur dioxide emission ng bulkan ay 6,077 tonelada kada araw at isang volcanic earthquake lamang ang naitala.

 

Nanatiling nasa Alert Level 2 ang Taal Volcano at nangangahulugan ito ng maaring magkaroon ng biglaang steam- or gas-driven explosions, volcanic earthquakes at minor ashfall.

 

Ipinaalala din ng Phivolcs na hindi pa rin pinaoayagan ang pagpunta sa volcano island lalo na sa paligid ng bibig nito at sa Daang Kastila, gayundin ang ‘leisure activities’ sa Taal Lake.

 

Simula noong nakarang Hulyo 23 ay nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal.

Read more...