Ipinagdiwang ng Akbayan Youth ang pagpapalawig ng pagpaparehistro ng mga botante.
Sa harap ng tanggapan ng Comelec sa Quezon City nagtipon ang ilang miyembro ng mga grupo para iselebra ang sinasabi nilang tagumpay sa kanilang panawagan.
Inaasahan na iaanunsiyo ngayon ng Comelec na hanggang sa Oktubre 30 ang huling araw ng voter’s registration.
Sa pagtataya ng Akbayan Youth, may 11 milyon pa na nasa hustong gulang na ang hindi pa nakakapag-parehistro dahil sa ibat-ibang kadahilanan, kasama na dito ang epekto ng pandemya.
Bukas ang dapat na deadline ng voter’s registration.
Ang Senado at Kamara ay kapwa nagpasa ng resolusyon para sa extension ng voter’s registration.
MOST READ
LATEST STORIES