Guro, pinatay ng estudyante sa Indonesia dahil umano sa thesis

 

Nauwi sa karahasan ang thesis consultation sa pagitan ng isang estudyante at ng kaniyang guro sa Indonesia.

Nag-uusap lamang ang propesor na si Dr. Hj Nurain Lubis ng Faculty of Education sa North Sumatra Muhammadiyah University (UMSU) at ang estudyante niyang si Rormardo Sah Siregar tungkol sa thesis.

Hinihinalang nagkaroon ng hindi pagkaka-intindihan ang dalawa at nauwi sa argumento ang usapan.

Nang lumabas si Lubis para tumungo sa banyo, sinundan siya ni Siregar at inatake ang kaniyang guro sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg nito.

Agad namang dinala sa ospital si Lubis ngunit nasawi rin ito.

Sinugod naman ng mga tao ang estudyanteng si Siregar ngunit nagtago lang ito sa loob ng banyo hanggang sa damputin na siya ng mga pulis.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis ang insidente, lalo na ang motibo sa pagpatay ng estudyante sa kaniyang guro.

Read more...