Pareho silang supporters ng isang sikat na kandidato sa kasalukuyan.
Sinabi ng ating Cricket na matagal nang kursunada ni Sir ang Actress na talaga namang hanggang ngayon ay alaga pa rin ang kanyang pangangatawan.
Pero bukod sa may ka-partner na sa buhay ay maganda ang negosyo ng Actress kaya hindi ang tipo niya ang basta na lamang kakagat sa mga pain ng ating sikat din naman na abogado.
Nagsimulang magparinig si Atty. nang makasama niya sa ilang araw na out-of-town sorties ang sexy pero may edad na rin na Actress.
Doon daw napansin ni Madam na panay ang tingin sa kanya ng Abogado na tila’y may malisya.
Nagkatotoo ang kanyang pakiramdam nang magsimulang na siyang maging textmate ni Atty.
Araw-araw daw siyang nakatatanggap ng sweet messages mula sa nagmumurang kamias na abogado.
Hanggang isang araw ay niyaya daw siya ng dinner ni Atty. na kaagad naman niyang tinanggihan.
Noon din daw ay nagsabi ang abogado na type niya ang sexy pa rin na actress pero kaagad daw siyang sinabihan nito na huwag ng ituloy ang balak.
Hindi pa man nakaka-first base ay butata na ang bida sa ating kwento ayon sa ating Cricket.
Tinanggao ni Atty. ang sagot ni Actress kaya ngayon ay friend na kang daw sila.
Pero hindi dito nagtatapos ang balak ni Atty. dahil sinabi niya sa kanyang sarili na balang araw ay muling iaalok ang kanyang pag-ibig sa maganda ang sexy actress.
Ang actress na pinormahan ni Atty. ay naging kontrobersiyal kamakailan makaraan niyang layasan ang programa sa TV na kanyang kinabibilangan.
May edad na pero hanggang ngayon ay sexy at maganda.
Ang abogado naman na na-friend zoned ay si Atty. S….as in Sayang.