Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (September 28), pumalo na sa 2,522,965 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 132,139 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 13,846 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
76.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 16.4 porsyento ang asymptomatic; 3.99 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 91 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 37,686 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 39,980 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,353,140 o 93.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.