One-way traffic sa CCP Complex, ipatutupad para sa COC filing

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng one-way traffic scheme sa CCP Complex simula sa 5:00, Biyernes ng umaga (October 1).

Ayon sa ahensya, layon nitong bigyang-daan ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa 2022 national elections.

Tatagal ang traffic scheme hanggang October 8, 2021.

Ipatutupad ang one-way traffic sa A. Dela Rama (V. Sotto hanggang Buendia), Buendia (A. Dela Rama hanggang Jalandoni), at Jalandoni (Buendia hanggang V. Sotto) sa kasagsagan ng COC filing.

Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Read more...