274 pang pulis, gumaling na sa COVID-19; Isa nasawi

Nasa 143 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (September 28), 39,474 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,092 ang aktibo pang kaso.

274 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 37,265 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 117 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...