Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.76 milyon na

Lagpas 4.76 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,769,931 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 709,119.

Sumunod na rito ang Brazil na may 594,702 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 447,406 naman ang death toll sa India habang 275,676 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 204,679
– Peru – 199,314
– Indonesia – 141,585
– United Kingdom – 136,208
– Italy – 130,742
– Colombia – 126,178
– Iran – 119,649
– France – 116,537
– Argentina – 114,954

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 233,115,759 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 209,850,691 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...