Ipinatutupad pa rin ang Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa ilang lugar sa Quezon City.
Batay sa datos ng Quezon City government hanggang sa araw ng Lunes, September 27, nasa 57 na lugar ang naka-lockdown na sa lungsod.
Mahigpit na binabantayan ang mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nilinaw naman ng QC government na may mga partikular na lugar lamang na kabilang sa SCLA at hindi buong barangay.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.
Sasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.
MOST READ
LATEST STORIES