Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (September 27), pumalo na sa 2,509,177 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 158,169 o 6.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 18,449 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
78.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 15.3 porsyento ang asymptomatic; 3.42 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 0.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 93 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 37,494 o 1.50 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 21,811 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,313,412 o 92.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.