Halos P1 dagdag-presyo sa diesel, ipatutupad bukas

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, may dagdag na P0.90 sa kada litro ng diesel habang P0.55 naman ang itataas sa kada litro ng gasoline.

May patong ding P0.95 ang bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (September 28).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...