Ayon sa Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon), ang proyekto na akma sa P95-billion Pasig River Expressway (PAREX) ay maari ring maging model ng green infrastructure na isa sa magpapalakas sa environmental rehabilitation.
Ang 19.37-kilometer hybrid expressway project sa kahabaan ng Pasig River ay isasagawa ng SMC sa ilalim ng public-private partnership program ng pamahalaan na itinuturing na kauna-unahang green hybrid highway sa bansa.
Idinagdag ng Pinoy Aksyon na mainam na inilagay sa harapan at sentro ang kalikasan sa naturang proyekto.
MOST READ
LATEST STORIES