Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (September 27), 39,339 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,224 ang aktibo pang kaso.
135 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 36,999 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 116 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES