Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 232.60 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 232.60 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 232,608,482 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 43,750,983 cases.

Sumunod na rito ang India na may 33,678,786 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,351,972 naman ang kaso sa Brazil habang 7,664,230 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,420,913
– Turkey – 7,039,500
– France – 6,994,319
– Iran – 5,533,520
– Argentina – 5,250,402
– Colombia – 4,951,675
– Spain – 4,946,601
– Italy – 4,660,314
– Indonesia – 4,208,013
– Germany – 4,206,257
– Mexico – 3,632,800

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,762,082 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 209,242,666 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...