Nagpahayag na ng suporta ang Kabataang may Magagawa Youth Organization sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno para sa 2022 presidential elections.
Ayon kay Vincent Calooy, president founder ng Kabataang may Magagawa, nakipagsanib-puwersa ang kanilang hanay sa Pinoy ako, Isko Tayo Movement para lalo pang lumakas ang grupo.
Ayon kay Calooy, limang taon na ang kanilang grupo at apolitical.
Pero ngayon, susuportahan nila ang kandidatura ni Mayor Isko.
Ayon kay Calooy, ang pagiging masipag at maka-Diyos ni Mayor Isko ang naging basehan para ibotong pangulo ng bansa.
Kailangan din kasi aniya ng Pilipinas ng isang batang lider na mag aalok ng nga makabagong ideya para sa uri ng pamumuno.
Ayon kay Calooy, kung nagawa ni Mayor Isko na mabigyan ng mga tablet ang mga estudyante para sa online class, magpatayo ng mga eskwelahan at pabahay sa Maynila, tiyak na magagawa niya rin ito sa buong bansa
Sa panig ni Mik Rivera, lead convenor ng Pinoy ako, Isko Tayo Movement, maraming grupo na ang nagpahayag na makipagsnaib-pwersa sa kanilang hanay.
May galing aniya ng Zambales, Bataan, Bulacan, Cagayan de Oro at iba pang bahagi ng bansa.
Kung mabibigyan aniya ng pagkakataon sk Mayor Isko na maging Pangulo ng bansa, tiyak na maganda ang kinabukasan at may pag asa ang mga kabataan.