Tatlong rebelde patay sa magkakahiwalay na engkuwentro sa Caraga Region

Natunton ng mga tauhan ng Army 4th Infantry Division ang isang kuta ng mga rebelde sa Buenavista, Agusan del Norte at ito ay nagresulta sa pagkakarekober ng mga matataas na kalibre ng baril.

Sinabi ni Maj. Gen. Romeo Brawner, 4th ID commander, kabilang sa mga narekober ay tatlong AK47 rifles na may limang magazines, mga bala at dalawang M203 Grenade Launchers at isang Anti-Personnel Mine (APM).

Sa magkahiwalay na engkuwentro naman sa Tago, Surigao del Sur, tatlong rebelde ang napatay at nagresulta din sa pagkakabawi ng mga matataas na kalibre ng baril at mga bala.

Iginiit ni Brawner na itutuloy nila ang panggigipit nila sa mga rebelde hanggang sa mapilitan ang mga ito na sumuko at magbalik loob na sa gobyerno.

Binanggit nito na ngayon lang buwan ng Setyembre, 17 engkuwentro na ang naganap sa kanilang sasakupan na nagresulta sa pagkakamatay ng 43 rebelde at pagkakakumpiska ng 63 armas.

Read more...