Sen. Bong Go sinabing sa October 8 ipapaalam kung laban o atras sa 2022 presidential race

Sinabi ni Senator Christopher Bong Go na sa darating na Oktubre 8, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (COC), malalaman kung tatanggapin niya ang pag-endorso na siya ay sumali sa 2022 presidential election.

Ayon kay Go kabisado na niya ang trabaho ng pinakamataas na halal na opisyal ng bansa dahil sa pagiging dikit niya kay Pangulong Duterte at aniya batid din niya ang mga hirap na kaakibat ng posisyon.

Sinabi pa nito na hinihintay lang din niya ang pinal na desisyon ng pamilya Duterte at ang plano ng PDP – Laban, kung sino sa kanilang palagay ang makakapagpatuloy ng mga nasimulan ng Punong Ehekutibo.

“Ipinapasa-Diyos ko na rin lang ang aking kapalaran sa pulitika at sa mga taumbayan na nagtiwala at patuloy na nagtitiwala sa akin,” sabi ng senador.

Ngunit habang hindi pa sumasapit ang nabanggit na araw, nakasentro muna aniya ang kanyag atensyon sa pagtupad sa kanyang trabaho bilang senador at pagtulong sa pagharap ng gobyerno sa pandemya.

Read more...