Arestado ang tatlong suspek matapos mahulihan ng shabu sa Cebu City, Huwebes ng gabi (September 23).
Isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 7 Regional Special Enforcement Team ang buy-bust operation sa bahagi ng Sitio Upper Bonbonan, Barangay Labangon dakong 10:30 ng gabi.
Nakilala ang mga suspek na sina Juanario A. Ortega Jr., alyas “Bagodot,” 23-anyos; Richard S. Gallarde, 46-anyos; at Keisha Renee Ventic, 34-anyos.
Nakumpiska sa tatlo ang isang pack ng hinihinalang shabu na may bigat na 50 gramo at ginamit na buy-bust money.
Ayon sa PDEA RO7, tinatayang nagkakahalaga ng nakuhang shabu ng P340,000.
Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES