Road repair, reblocking ng DPWH sa EDSA, C5 itutuloy sa weekend

Magsasagawa muli ang Department of Public Works and Highways ng road reblocking at repairs sa bahagi ng EDSA at C5 sa weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (September 24).

Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA Caloocan (Southbound) sa harap ng Mariano St. (4th lane mula sa sidewalk)
2. C-5 Road Northbound bago ang Mckinley
3. España Boulevard (mula Extremadura St. hanggang M. Dela Fuente St.)
4. C.P Garcia Ave. bago ang Maigting St. (2nd lane mula sa sidewalk) at bago ang Krus na Ligas (2nd lane mula sa sidewalk)

Maari namang madaanan muli ng mga motorista ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (September 27).

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

Read more...