Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba

Patuloy na bumababa ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research group, nasa 0.97 na lamang ang reproduction number ngayong araw, September 24, kumpara sa 0.99 reproduction number kahapon.

Nakasaad pa sa report ng OCTA na sa less than 1 na lamang ang reproduction number sa 13 local government units sa NCR.

Nabatid na ang Navotas ang nakapagtala ng pinakamababang reproduction number na mayroong 0.57.

Sa ngayon, nasa Alert Level 4 ang NCR hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Read more...