Magkakaloob ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng tulay, anim na truck na panghakot at mga makinang pansaka sa 10 agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Tarlac.
Ayon kay DAR Regional Director Celestina Tam, mismong si DAR Secretary John Castriciones ang mangunguna sa turn over rites na gaganapin sa Setyembre 27.
Pormal na bubuksan sa publiko ng kalihim ang San Sotero Bridge sa Sta. Ignacia.
Ang tulay ng San Sotero ay ipinatupad ng DAR sa ilalim ng Tulay ng Pangulo Para sa Kaunlarang Pang-Agraryo at itinayo sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways.
Ibibigay din ni Castriciones agn anim truck at iba’t ibang mga makinang pansaka.
Malaking tulong sa mga magsasaka ang truck para sa paghahakot ng tubo sa mga sugar mills at pamilihan.
Sinabi ni Tam na inaasahang malaki ang magiging epekto ng proyekto sa seguridad ng lupang sinasaka ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa nasabing lugar.
Ang mga makinarya ay ibinigay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Support for Disaster-Affected Areas Project, at ang mga truck naman ay mula sa Linking Smallholder Farmers to Market with Microfinance Project.