Sinuspendi ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibigay ng voter’s certification mula September 27 hanggang 30.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tutukan muna ng kanilang hanay ngayon ang voter’s registration.
Nakatakdang matapos ang voter’s registration sa September 30, 2021.
Wala aniyang ibang aktibidad na gagawin ngayon ang Comelec kung hindi ang voter’s registration lamang.
Ayon kay Jimenez, hindi na palalawigin ng Comelec ang voter’s registration dahil maapektuhan ang kanilang timeline para sa paghahanda sa local at national elections.
READ NEXT
Senador Bong Go humihirit ng dagdag deployment ng healthcare workers sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES