Senador Bong Go humihirit ng dagdag deployment ng healthcare workers sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19

Umaapela si Senador Bong Go sa Department of Health na mag-deploy ng karagdagang healthcare workers sa mga ospital na kinakapos nito o sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-deploy ang medical corps ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa mga ospital na may kakulangan ng healthcare workers.

Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health, dapat na gayahin ang kanyang naging inisyatibo noon katuwang ang Office of the Presidential Assistant to the Visayas na nagpadala ng mga healthcare workers mula sa Visayas region patungo sa Metro Manila.

Dapat aniyang siguraduhin ang stability ng healthcare system sa bansa lalo’t patuloy ang pandemya sa COVID-19.

Pangako ni Go, nanatiling prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan ng mga healthcare workeers.

Katunayan, sinabi ni Go na pinagsusumikapan niyang agad na maipasa ang inihaing Senate Bill 2398 na nagbibigay ng patuloy na alokasyon ng karagdagang allowance at benepisyo sa mga healthcare workers.

 

Read more...