144 pang pulis, tinamaan ng COVID-19; Isa nasawi

Nasa 144 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (September 24), 38,916 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,266 ang aktibo pang kaso.

168 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 36,535 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 115 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...