Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (September 23), pumalo na sa 2,434,753 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 165,790 o 6.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 17,411 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.1 porsyento ang asymptomatic; 2.73 porsyento ang moderate; 1.5 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 177 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 37,405 o 1.54 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 14,090 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,231,558 o 91.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.