Matumal at bagsak-presyo na ang bentahan ng face shield sa Divisoria, Maynila.
Ito ay matapos luwagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit sa face shield.
Tanging sa mga closed o mga saradong lugar na lamang gaya ng ospital kung saan maaring gamitin ang face shield.
Ayon kay Rudy Dayag, isa sa mga vendor ng face shield sa Divisoria, binabaan na nila ang presyo.
Mula sa P7 hanggang P10, nasa P5 hanggang P6 na lamang ang bentahan ng face shield.
Sinabi naman ni Cleofe de Guzman Tolentino na mabuti na lamang at paubos na ang kanyang stock na face shield.
Kung dati-rati, ayon kay Tolentino, umaabot sa 5,000 piraso ng face shield ang kanyang nagbebenta kada araw.
Pero ngayon, Huwebes ng tanghali, ilang piraso pa lamang ang kanyang nagbebenta.