Tax amnesty sa Maynila, ipatutupad hanggang December 29, 2021

Manila PIO photo

Magandang balita para sa mga residente sa Maynila.

Ito ay dahil sa nagdeklara si Manila Mayor isko Moreno ng general tax amnesty program na magsisismula sa October 1 hanggang December 29, 2021.

Nilagdaan ni Mayor isko ang Ordinance No. 8773, araw ng Huwebes (September 23), para bigyang amnestiya ang lahat ng delinquent business taxes, real property taxes, regulatory fees at iba pang service charges.

Nagpasya si Mayor Isko na magbigay ng tax amnesty para matulungan ang taong bayan sa pandemya sa COVID-19.

“As a result, many businesses have remained closed, further causing the loss of jobs and opportunities. Amidst the health and safety challenges is the struggle to keep one’s livelihood afloat,” pahayag ni Mayor Moreno.

Read more...