Giit ng mambabatas, iginagalang ng inihaing House Bill No. 10249 kung ipinagbabawal sa isang relihiyon ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.
Hindi rin aniya maaring panagutin ang mayroong medical condition na maaring mapahamak kapag mabakunahan kontra COVID-19 basta may sertipikasyon mula sa isang doktor.
Ani Robes, nahaharap pa rin ang bansa sa health crisis kaya mahalagang mabakunahan ang lahat na puwede nang mabakunahan.
Pareho lamang aniya ang layunin sa mandatory immunization para sa mga bata, na matagal na ring ipinatutupad sa bansa.
Pagdating naman sa parusang pagkakakulong ng hanggang 30 araw at multa na P10,000 para sa kwalipikadong vaccinees, ipinaliwanag ng kongresista na mas mababa pa ito kumpara sa ibang panukalang batas na nakabinbin din sa Kamara.
Dagdag pa ni Robes, sakaling maging ganap na batas, dadaan pa rin sa mga babalangkas ng implementing rules and regulations kaya posible pa ring magkaroon ng mga pagbabago sa lenggwahe ng panukala niyang ito.