Hindi itinuturing na banta ng Palasyo ng Malakanyang ang tambalang Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong para sa 2022 presidential elections.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa una pa lamang, hindi pa naman kasi sigurado ang tambalang Senador Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para ipang-tapat sa Isko-Willie tandem.
Sinabi pa ni Roque na karapatan naman ng bawat Filipino na tumakbo sa eleksyon at karapatan ding bumoto ng bawat isa.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na ang makukumpirma lamang niya ay ang pormal na pagtanggap ni Pangulong Duterte sa nominasyon ng PDP-Laban para maging pangbato sa pagka-bise presidente.
Una rito, tinanggihan ni Go ang alok ng PDP-Laban na maging standard bearer ng ruling party.
Ayon kay Go, wala sa kanyang isip ngayon ang tumakbong pangulo ng bansa.
Sinabi naman ni Roque na hindi niya matiyak kung magkakaroon ng substitution sa mga kandidato ng PDP-Laban gaya noong 2016 elections.
Mas makabubuting hintayon na lamang ang mangyayari sa October 8 kung saan ang filing ng certificate of candidacy at sa November 15 na huling araw naman ng substitution ng mga kandidato.