Halos 200 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 196 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (September 23), 38,788 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,291 ang aktibo pang kaso.

149 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 36,383 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 114 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...