Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.73 milyon na

Lagpas 4.73 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,732,904 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 699,748.

Sumunod na rito ang Brazil na may 592,357 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 446,080 naman ang death toll sa India habang 273,391 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 200,625
– Peru – 199,108
– Indonesia – 140,954
– United Kingdom – 135,621
– Italy – 130,488
– Colombia – 126,006
– Iran – 118,191
– France – 116,309
– Argentina – 114,684

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 230,883,696 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 207,590,946 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...