Medical corps ng AFP, PNP ipinahahanda para sa deployment dahil sa pagdami ng health workers na tinamaan ng COVID-19

PCOO photo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-deploy ang medical corps sakaling kailanganin dahil sa tumataas na bilang ng health workers na tinatamaan ng COVID-19.

Ayon sa Pangulo, hindi maikakaila na marami sa health workers ang nagkakasakit at naoospital dahil sa pandemya.

Ayon sa Pangulo, dapat na naka-standby ang medical corps ng PNP at AFP dahil sila ang madaling maasahan.

Bilang tugon, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag-deploy na ang kanilang hanay ng mga nurse sa St. Luke’s Medical Center.

Patuloy aniyang mangangalap ang AFP ng mga nurse sa probinsya para maipahiram sa Metro Manila.

Read more...