Hindi paggamit ng face shield sa labas ng bahay, aprubado na

December 21 2020
A man with his companion wear face masks resembling the Philippine flag in Divisoria, Manila on monday, as the IATF recently announced that wearing face shields along with face mask even when out in public is now mandatory.
INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Maari nang hindi gumamit ng face shield sa labas ng bahay bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Ito ay matapos luwagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng face shield.

Pero ayon sa Pangulo, iiral pa rin ang face shield policy sa tatlong letrang ‘C’…. Ito ay sa close, crowded, close contact na mga lugar.

Ibig-sabihin, ayon sa Pangulo, gagamitin lamang ang face shield sa mga sarado ng pasilidad, ospital, crowded room o magkakadikit-dikit ang mga tao at may close contact.

Ayon sa Pangulo, tinanggap niya ang rekomendasyon ng executive department na luwagan na ang paggamit ng face shield.

Utos ng Pangulo, maglabas agad ng guidelines sa hindi na paggamit ng face shield sa labas ng bahay.

Read more...