Panukalang mandatory COVID-19 vaccine, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang panukalang batas na nagtutulak ng “mandatory COVID-19 vaccination” para sa mga Pilipino sa bansa.

Sa House Bill 10249 ni House Committee on Peoples Participation chairman at San Jose del Monte, Bulacan Rep. Rida Robes isinusulong na magkaroon ng mandatory ng pagbabakuna sa lahat ng mga Pilipino na “eligible” o karapat-dapat.

Ayon sa mambabatas, solusyon ang panukala sa usapin ng kalusugan at ekonomiya.

Naniniwala si Robes na kapag mayorya ng mga Pilipino ay mababakunahan, marami ang mapoprotektahan laban sa COVID-19, na magreresulta rin ng pagbangon ng ekonomiya mula sa matinding epekto ng pandemya.

Read more...