Aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nasa 2,244

Nasa 152 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (September 22), 38,618 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,244 ang aktibo pang kaso.

235 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 36,260 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 114 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...