5 rebelde patay sa dalawang oras na bakbakan sa Cagayan

Napa-atras ng mga puwersa ng gobyerno ang humigit kumulang 40 rebelde matapos ang dalawang oras na pagpapalitan ng mga putok sa Sta. Teresita, Cagayan.

Sa paunang impormasyon, hinihinalang mga miyembro ng Komiteng Probinsiya Cagayan – Komiteng Rehiyon Cagayan Valley ang mga rebelde.

Kanya-kanya nang takas ang mga rebelde nang dumating na ang air support mula sa Philippine Air Force.

Narekober ang mga labi ng limang rebelde, tatlong baril, limang anti-personnel mine, mga medical supplies at personal na gamit.

Inakusahan ng military ang mga rebelde nang pangongotong at panggigipit sa mga residente sa lugar.

 

Read more...