Sinang-ayunan ng 23 senator ang panukalang-batas para mapalawig pa ang isinasagawang voter’s registration, na magtatapos na sa katapusan ng kasalukuyang buwan.
Tanging si Sen. Koko Pimentel III ang tanging hindi sumuporta sa Senate Bill 2408.
Katuwiran ng mga senador itinakda ng Comelec deadline bago pa man magkaroon ng pandemya.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang layon naman ng kanilang panukala ay para maiwasan ang ‘disfranchisement’ ng mga botante.
Aniya ang hinihingi nilang extension ay hanggang Oktubre 31 lamang.
Naniniwala ito na malaking bagay na ang karagdagang isang buwan sa mga nais magparehistro at makaboto na simula sa 2022 national and local elections.
Sinabi naman ni Minority Leader Frank Drilon na kung hindi sila pagbibigyan ng Comelec maaring 12 milyon ang hindi makakaboto pa sa susunod na taon.