Magnitude 5 na lindol, tumama sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Occidental Mindoro, Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 11 kilometers Northwest ng Mamburao dakong 12:43 ng madaling-araw.

11 kilometers ang lalim ng malakas na lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, nakapagtala ng intensities sa ilang lugar:
Intensity 3 – Malvar, Batangas
Intensity 2 – Quezon City

Intrumental Intensities:
Intensity 4 – Calapan City, Oriental Mindoro
Intensity 3 – Tagaytay City
Intensity 2 – Muntinlupa City; Batangas City at Calatagan, Batangas, Mauban, Mulanay at Dolores, Quezon
Intensity 1 – Lopez, Quezon; Carmona, Cavite; Plaridel, Bulacan

Wala namang napaulat na pinsala.

Ngunit babala ng Phivolcs, maaring makaramdam ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...