6 rebelde patay sa sagupaan sa Bukidnon at Butuan City

AFP EASTMINCOM PHOTO

Napatay ng mga puwersa ng gobyerno ang anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay na engkuwentro sa Malaybalay City sa Bukidnon at Butuan City kahapon.

Sa sagupaan sa Barangay Manalog sa Malaybalay ay napatay ang limang rebelde na kasapi ng North Central Mindanao Command.

Narekober sa kanila ang isang dosenang matataas na kalibre ng baril.

Sinabi ni AFP Eastern Mindanao Command commander, Lt. Gen. Greg Almerol tinangka ng mga rebelde na kubkubin ang Barangay Manalog ngunit nabigo lamang sila.

Samantala, sa 15-minutong sagupaan sa Barangay Bugsukan sa Butuan City ay napatay naman ang isa pang rebelde at nakuga ang dalawang M16 Armalite rifles at isang M203 grenade launcher.

Naniniwala si Almerol na nalalapit na ang araw ng pagbagsak ng NPA lalo na sa Bukidnon, bunga nang magkakasunod na pagkakapatay ng kanilang mga pinuno at miyembro nitong mga nakalipas na araw.

Read more...