Manila Mayor Isko Moreno kakandidatong pangulo ng bansa

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Tatakbong pangulo ng bansa si Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 elections.

Ito ang kinumpirma ni Julius Leonen, ang chief ng Manila Public Information Office.

Ayon kay Leonen, makakatandem ni Mayor Isko si Doctor Willie Ong.

“For those asking, yes it’s true. Isko-Doc Willie 2022,” pahayag ni Leonen.

Bukas, September 22 ay inaasahang iaanunsyo ni Mayor Isko ang kanyang kandidatura.

 

 

Read more...