Unti-unti nang tumataas ang deployment ng mga overseas Filipino workers sa ibang bansa sa taong ito.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration Administrator Bernard Olalia na nasa 70,000 na OFWs ang naipapadala sa abroad kada araw.
Sa naturang bilang, 30,000 ang land based habang 40,000 naman ang sea-based.
Ayon kay Olalia malaking pagtaas ito kung ikukumpara sa 74% na pagbagsak ng deployment ng bansa noong isang taon.
Kabilang aniya sa in demand ngayon na OFWs ay mga healthcare workers tulad ng nurses sa mga bansang United Kingdom, Germany at ilang bansa sa Middle East.
Sa mga sea-based OFWs, karamihan aniya ay nadi-deploy sa mga cargo, transport at petroleum vessels.
MOST READ
LATEST STORIES