Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19, umabot na sa 37, 074

 

Pumalo na sa 37,074 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos madagdag sa talaan ang 140 na pasyente na nasawi dahil sa naturang virus.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 2,401,916 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Nakapagtala ang DOH ng 16,361 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 21,974 na gumaling.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (171,142) ang aktibong kaso, 91.3% (2,193,700) na ang gumaling, at 1.54% (37,074) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 19, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

 

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19.

 

 

Read more...