Ipinakita na ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko ang commemorative stamps para sa mga Filipino champions sa katatapos na 2020 Tokyo Olympics.
Tampok sa stamps sina Olympic gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz, silver medalists boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio, at bronze medalist Eumir Marcial.
Ginawa ang unveiling ng stamps sa Manila Central Post Office Building.
Ayon kay Postmaster General at CEO Norman Fulgencio, tampok sa stamp ang winning moment ng bawta atleta.
Masarap aniya sa pakiramdam na malaking karangalan ang naiuwi sa bansa ng mga atleta.
MOST READ
LATEST STORIES