23,134 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Aabot sa 23,134 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ayon sa talaan ng Department of Health, ito na ang ikalawang pinakamataas na daily infections sa Pilipinas.

Naitala kasi noong Sabado, September 11 ang pinakamataas na daily infections na umabot sa 26,303.

Sa ngayon, nasa 2,347,550 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang, 184,088 ang active cases kung saan 90.5% ang mild, 5% ang asymptomatic, 1.3% ang severe, 0.6% ang nasa kritikal na kalagayan.

Nasa 255 naman ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi.

Nasa 36,583 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

 

Read more...