Umabot na sa peak ang COVID-19 cases sa National Capital Region.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research group, ito ay matapos maitala na bumaba na ang reproduction number ng COVID-19 sa 1.22.
Pero ayon kay Guido, dapat pa ring tiyakin na sumunod sa health protocols na itinakda ng pamahalaan para tuluyang bumaba ang kaso.
Bumaba rin aniya ang positivity rate sa NCR at nassa 24 percent na lamang.
Matatandaang nasa 1.34 na lamang ang reproduction number sa NCR ngayong linggo, mas mababa kumpara sa 1.39 noong nakaraang linggo.
MOST READ
LATEST STORIES